Summary
Salat sa buhay, wala ng mga magulang may sakit pa ang anak,at sadmakmak ang utang kaya todo kayod talaga sa buhay.Kaya kahit pa ang pagiging katulong ng isang kilalang negosyante at gwapong si Craige Aldomar ay papasukin mo, kahit pa alam mong binansagan itong pinaka masama ang ugali sa larangan ng negosyo at pakikitungo sa ibang tao, lalo na sa mga katulong na namamasukan rito.
Para sa pantustos sa gamot ng anak magtitiis ka sa sama ng ugali at mga insulto niya, na lahat at gagawin mong biro lang dahilan para mas mainis at magalit ang isang Craige Aldomar na ikaw palang ang makakagawa.Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ng paninilbihan mo sakanya at minsang pag aalaga dahil sa pagkakaron ng minsang sakit mahulog ang loob mo sa taong tulad niya na naging mabuti sa anak mo pero langit at lupa ang pagitan.
Maraming dahilan para hindi siya magustuhan, pero sa kabila ng pagiging masama ng ugali niya makikita kong may mabuti siyang kalooban, malalaman kong may dahilan pala siya kung bakit iba ang pag uugali niya.
Darating ang isang araw at tuluyan ka ng nahulog sakanya pero dahil sa pagiging isang dalagang ina pipigilan mong gustuhin siya lalo na kung may takot sa puso mong pumasok na ulit sa isa pang relasyon
May pag asa kaya ang tulad ko sakanya, o mas maiging lumugar ako kung saan ako nababagay.
Gusto ko siyang mahalin pero takot akong umamin, takot akong baka sa una niya lang din tanggap ang pagiging isang dalagang ina ko at ang anak ko, gusto kong sumugal sa pangalawang pagkakataon para sa pagmamahal pero natatakot akong baka hindi gaya ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
Kaya naman imbis na umamin at sabihin sakanya ang lahat, lalayo ako at iiwas kasama ng anak kong napalapit na ng husto sakanya. Ayokong umasa siya sa wala dahil baka dumating ang isang araw bigla nalang mawala ang magandang pakikitungo niya sa anak ko na sigurado kong ikakka lungkot niya ng husto
Alam kong walang puwang ang pangalawang pagkakataon sa mga tulad kong dalagang ina pagdating sa aspeto ng pagmamahal, kung meron man ay sobrang swerte nila dahil may tumanggap sakanila.
Pero kapag mahal mo talaga ay mahal mo lalo kung siya ang sinisigaw ng puso, susugal ako kahit may oag aalinlangan, bahala na kung matalo ako sa dulo basta alam kong lumaban ako at inamin ko saknya na mahal ko siya sa kabila ng malaking pagkaka iba namin sa buhay.
Mahal ko siya dahil mahal ko siya at alam kong iyon ang mahalaga, hindi ako gagawing masaya ng takot ko kung paiiralin ko iyon, kaya naman haharapin koniyon at mamahalin ko amg isamg Craige Aldomar ng buong tapang at walang takot na mararamdaman pa.
Ako si Aleighn Sta. Maria at ito ang aking istorya
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report